“Beyond Those Smiles"
(AngTunay na Buhay)

Sabi nila,
ako raw iyong tipo ng tao na laging masaya, na para bang walang pinoproblema sa buhay.
Kaya naman ang tawag nila sa akin ay “HapiKa”. Kasi naman para akong clown
sa kanila na laging nagsabi ng “Hapika?” sa halos kanilanglahat.
Ikaw ba naman itong lagi na lamang nakasimangot pero ako daw ay lagi pang nakangiti.
Ano ba daw ang nangyayari sa akin at lagi akong happy? Pero sa totoo lamang
ay sakabila ng mga nigiti na iyon ay may puso at damdamin din ako na punong-puno ng
problema. Tulad ng sa pamilya ko. Ewan ko kung bakit ko naging problema un,
basta ang tangi kong alam ay ang problema ng pamilya ko ay problema ko na din. Kaya
nga isa sa mga pangarap ko ay mapaunlad angbuhay ng pamilya ko. Gusto kong masuklian ang lahat ng
hirap at pagsisikap ng mga magulang ko.
Minsan ko na rin kasi pinasama angkanilang kalooban at minsan ko na rin silang pinaiyak ng
dahil sa mga pinaggagagawa ko. Hindi ko naman pati ginusto iyon,
nagkataon lang na nangyari. At halos araw-araw kaming pag kaguluhan ng
aming mga kapit-bahay. Mabuti na lamang at mga kamag-anak din namin angmga kapitbahay namin kaya kahit papano ay nananatiling prebado ang aming buhay. Halos
maputol na nga daw ang litid ng aking mama sa kakasaway sa aming magkakapatid. Kung
tutuusin naman kasi tatlo lamang kaming magkakapatid. Pero ang malupet ay
kapag nagkasama-sama kami ay talagang sabog ang ingay sa aming bahay. Kahit na ganito
kami ng pamilya ko, masaya pa rin kami at salamat kay God kasi lagi siyang nandiyan
para sumuporta at umalalay sa amin at higit sa lahat siya ang nagbibigay ng lakas ng
loob at pag-asa sa aming pamilya na kahit anongproblema ay aming malalampasan basta’t
kami ay magkakasama. Kaya naman kahit alam ko na angmaging isang guro sa hinaharap ay
napakahirap at napakalaking responsibilidad sa buhay ay akin itong sinuong at
tinatahak para sa aking pamilya. Noong una ay napakahirap magdisisyon sa kung ano ang
gusto kong kuhaning kurso sa kolehiyo, pero salamat sa mga munting anghel ng Taal,
Central
sa Taal, Batangas sa aming lugar ay nagkaroon ako ng sapat na lakas ng loob
at inspirasyon na maging isang guro sa hinaharap na ibahagi sa kanila ang aking
mga nalalaman. Inihatid nila ako sa isang propesyon na pang-habang buhay at
tiyak na maipagmamalaki. Malaki ang magiging tulong nito sa aking pamilya balang araw at
sa mabubuo ko ding pamilya sa tamang panahon.
Lubos naman akong nagpapasalamat sa mga taong sumusuporta sa akin upang maabot ko ang aking mga pangarap at sa kung nasaan man ako naroroon ngayon. Salamat sa Diyos kasi ibinigay niya sa akin unang-una ang aking mga magulang. Mga magulang na halos masira na ang isip sa kung paano kami bubuhayin sa araw-araw at sa kung paano kami pag-aaralin. Ang aking ina na isang simpleng maybahay at angakingamanatalaganamangmaipagmamalaki.Kahitalamnilangnapakahirap ng amingbuhay at never silang sumuko. Dahil na rin siguro sa kanilang paniniwala na ayaw nila kaming matulad sa kanilang naging buhay.
Sa aking ninong na nasa ibang bansa na kahit papaano
ay tumutulong din sa aming pangangailangan pinansyal. At kina Ms.Maridel Nuyles
.jpg)
na
naging patnubay ko sa pagiging working student sa Our Lady of Caysasay Academy,
gayundin kina Ms.Lyn Esmillo at Ms. Lyam Arenas
sa pagbibigay sa akin ng
pagkakataon na makapag-aral at makapagtapos ng sekundarya sa isang pribadong paaralan
at sapagkakataon na makapag-impok ng kaalaman at determinasyon para sa pagpasok ng
mundo ng kolehiyo. Napakalaking problema sa aking pamilya kung
paano ako makakapag-aral pero nang dumating ang mga tulad nila sa aming pamilya at
sa pagiging mabait ng PanginoongMaykapal, hindi kami nawalan ng pag-asa.
At
ngayong bilang isang mag-aaral ng Kolehiyo ng Edukasyong Pangguro sa ikalawang taon,
ay natagpuan ko ang taong talagang mas nagbigay sa akin ng lakas ng loob at pag-asa
para mabuhay at makatapos sa aking nasimulan. Ang pakekoi ng buhay ko si John Lester
Vicente. Simple lang din siyang tao na punong-puno ng pangarap at
dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mapagmahal at maalaga.
Siya ngayon ang pinakanagsisilbing inspirasyon at lakas ko para ngumiti sa araw-araw
ng aking buhay. Siya ang tao na matagal ko ng
hinahanap dahil sa kanya ko lamang naramdaman ang aruga ng isang tunay na kaibigan at
pagmamahal ng isang tunay na kasintahan.
Ang pinakanakakainis sa aking sarili
ay aking mukha. Bakit? Kasi naman kung iyong mamasdan,
mapapansin mo na ang ipinapahiwatig ng aking mga mata sa aking labi. Una,
ang aking mga mata ay matatamlay at marami na rin ang nakapansin dito.
Samantalang kabaligtaran nito ang aking mga labi. Lalo na kapag ako ay
nagsalita na.Magsimula ka ng isang istorya at
tiyak mawawala ka sa eksena dahil tiyak pag ako nagsalita wala ng katapusan.
Simple
lamang akong tao,
sa totoo lamang iyakin ako pero dahil sa mga tao na bumubuo sa aking pagkatao nagawa kong ngumiti
at magpasaya ng ibang tao at itago sa isang maskara ang lungkot na nadarama ng
umiiyak kong damdamin.




Hope u like my simple story.... :) smile guiz.....
TumugonBurahin